Friday, February 22, 2013

How to cook Adobong Matanda



I love cooking, specially Pinoy foods.  They are easy to cook but really really tasty.

Maraming klase ng adobo.  May adobong manok, atay, sitaw, kangkong at kung anu-ano pa. Today, I'm going to give you the steps on how to cook adobong matanda.

Ano ang adobong matanda?

Marami ang hindi nakakaalam sa luto na ito.  This is way far from the typical adobo na may toyo.  Itong adobo na ito, kulay puti sya at maraming bawang.  **ang sarap dude!**



I'll post the picture kapag nagluto ulit ako nito.  Madali lang syang lutuin.  (promise!)  Give it a try!

Here's how..

Well of course, prepare the ingredients:

1 kilo pork (pwede ring 3/4 depende sa'yo kung marami kayong kakain.. hehehe) - can be kasim, liempo, laman o porkchop (i suggest to buy kasim)
1 ulo ng crushed garlic
pamintang durog
rock salt
suka
konting tubig
konting mantika

Disclaimer: I'm not into measurements when it comes to cooking.  I love eating and I love cooking.  So let's trust our tastebuds, okay?.  *wink*

Start off, prepare the kawali (cooking pan).  Ilagay ang baboy (syempre dapat nahugasan na).  Ilagay ang suka (about 1/2 cup) then the rocksalt (hmmm.. mga 1/2 teaspoon.), ilagay ang bawang at pamintang durog (maganda kung pino) lagyan na rin ng 1/8 cup ng tubig.   We want to get the salty (pero wag naman sobrang alat) and sour flavor to the meat.

Now, cover the pan and put it on fire and wait until your adobo boils.

**waiting..**

**waiting..**

mapapansin na natutuyo na ang suka ng adobong matanda

O, pwede ring magtext text muna o magbasa basa o maglaro ng temple run o subway surf habang naghihintay.  Pero wag mong kakalimutan ang niluluto ha! :)

**waiting..**

malapit na'ng maluto ang adobong matanda..
halu-haluin lang para hindi masunog ang bawang at ang karne

Mapapansin mo na unti-unti ng natutuyo ang adobo.. lumalapot na rin ang suka at tubig na nilagay mo.  If you see that happens, lower the fire.  Take the cover off.  Makikita mo na nagmamantika na yung pork so add ka lang ng konting mantika para mafry mo yung pork at garlic.  So halo lang.. (Don't worry, di ka na matitilamsikan ng mantika niyan kasi mahina yung apoy mo e).  Tuloy-tuloy lang sa paghahalo until you see na luto na yung pork

adobong matanda

There you have it!  Marunong ka na'ng magluto ng adobong matanda.





Note: Para sa mas masarap na kain, gumawa ng sawsawan na suka na may asin at crushed garlic.  Pwede ring lagyan ng siling labuyo ang sawsawan kung mahilig ka sa maanghang.  Best served sa mainit na kanin. :)

1 comment:

  1. Yes, idol.. try mo masarap itong baunin sa climb.. ehehe..

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...